-- Advertisements --

CEBU CITY – Sang-ayon si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa desisyon at batayan ng pagsibak kay dating Cebu Provincial Police Office (CPPO) Director PLt. Col Engelbert Soriano.

Inaasahan na umano nito ang sagot ng PNP na para sa career advancement at batay sa kanilang internal na proseso ang dahilan ng pagtanggal kay Soriano sa pwesto.

Gayunman, binatikos ni Garcia si OIC PNP Chief Lt. Gen. Vicente Danao Jr at kinuwestiyon kung paano tratuhin, pinagsabihan at tinawag si Soriano ng mga pangalan tulad ng “sipsip” at inakusahan ng pamumulitika.

Matatandaan na naglabas ng pahayag si Soriano at inihayag ang pagsuporta sa hakbang ng Kapitolyo na gawing opsyonal ang pagsuot ng facemask sa well-ventilated at open spaces.

Dagdag pa ng gobernador na dapat pa umanong naging magalang si Danao sa kanyang kapwa opisyal ng PNP at hindi ipinahiya sa publiko si Soriano.

Pinuri naman ni Garcia ang mga nagawa ni Soriano sa probinsya bilang direktor ng CPPO base sa mga feedbacks na natanggap nito.