Pumanaw na ang dating bassist ng The Beatles na si Chas Newby sa edad na 81.
Siya ang isa sa mga kinukuha ng banda kasama ang original bassist na si Paul McCartney.
Noong dekada 60 kasi ng magsimulang gumawa ng pangalan ang banda sa Hamburg, Germany.
Sa nasabing panahon ay binubuo nina John Lennon, Paul McCartney, Pete Best at Stuart Sutcliffe sa bass.
Umalis si Sutcliffe at nanatili sa Hamburg para mag-focus sa kaniyang art career.
Noong panahon na iyon ay naging rhythm guitar player at piano kaya kinuha si Chas bilang bass player.
Matapos ang ilang buwan ay umalis din si Chas at ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagiging chemist at ng magtapos ay kinuha na siya ng isang kumpanya.
Wala umano itong pag-sisisi sa pag-alis sa banda dahil hindi pagbabanda ang kaniyang buhay.