-- Advertisements --

Nilinaw ng National Privacy Commissions (NPC) na hindi maaaring gamitin ang Data Privacy Act para tanggihan ang pangangalap ng impormasyon sa ilalim ng contact tracing efforts ng pamahalaan.

Ayon kay Privacy commissioner Raymund Liboro, bagamat layunin ng batas na protektahan ang publiko sa diskriminasyon, harassment at iba pa, ay may kapangyarihan ang mga ospital na ibahagi ang impormasyon ng COVID-19 patients sa otoridad.

“The law recognizes the guidelines set by the DOH on contact tracing procedures that hospitals, LGUs, and contact tracers must follow. In this pandemic, public health and data privacy are on the same side.”

Dagdag pa ng opisyal, mandato ng mga pagamutan na mangalap ng impormasyon mula sa mga pasyente at ibahagi ito otoridad, alinsunod sa guidelines ng Health department.

“Likewise, we call on the individuals affected by COVID to be truthful when providing accurate thelath information.”

Sa ilalim ng DOH Department Memorandum 2020-0189, nakasaad ang responsibilidad ng health facilities na makipag-coordinate sa Epidemiology Bureau.

“By ensuring that Local Contact Tracing Teams are provided access to medical records, facilitating case interviews and conductiong other case investigation and contact tracing activities.”

Nakikipag-ugnayan na raw ang NPC sa DOH para masigurong hindi makakasagabal ang Data Privacy Act sa contact tracing. May mga inilabas na rin daw silang mga advisory opinion ukol sa tamang disclosure ng impormasyon ng mga pasyente.

Ang malinaw lang umano na ipinagbabawal ng guidelines ay ang paglalabas sa pangalan ng pasyente at iba pang detalye na magkukumpirma ng kanyang pagkakakilanlan nang walang consent.