Tinatayang aabot sa mahigit isang libong magsasaka ang inaasahang makikinabang matapos na tuluyang maresolba ng DAR ang isang pinagtatalunang lupa sa may bahagi ng Nasugbo , Batangas.
Partikular na rito ang dekadang away sa lupa ng Roxas and Co. Incorporated at mga magsasaka sa Batangas.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Agrarian Reform na aabot sa 1,332.23 na ektarya ng lupain ng Hacienda Palico, Banilad at Caylaway sa Nasugbu, Batangas ang pakikinabangan ng mga magsasaka.
Ito ay naging resulta ng inilabas na consolidated order ng ahensya noong Disyembre ng nakaraang taon .
Naging final and executory naman ito noong Enero 30 ng kasalukuyang taon.
Sa naging kasunduan, halos kalahati ng lupang pinagtatalunan at ipapamahagi sa may 1200 na magsasaka.
Kung maaalala, ideneklara ng Korte Suprema na ilegal noong Disyembre 17,1999 ang Notice of Coverage na inilabas ng DAA sa mga nabigyan ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA).
Sa kabila nito ay iniurong na ng Roxas and Co. Inc.ang lahat ng kaso at ibinigay na sa DAR ang lahat ng awtoridad para sa pamamahagi ng lupa para sa mga benepisyaryo.