-- Advertisements --
Binabantayan ng Department of Agrarian Reform ang mga pangunahing imprastraktura sa mga kanayunan na ipinatupad at itinayo sa ilalim ng foreign-assisted projects.
Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III na sa nasabing mga imprastraktura ay magiging insipirado ang mga agrarian reform beneficiaries para sa kanilang sakahan at pataasin ang kanilang kakayahang kumita.
Mahigpit din ang utos ng kalihim sa mga DAR regional at provincial offices na magsagawa ng periodic sustainability monitoring ganun din ang evaluation sa mga nasabing proyekto.
Masasayang lamang aniya ito at mababawi ang mga foreign assisted projects kapag hindi naalagaan ng mga kinauukulang Local Government Unit na naatasang mangasiwa at nagkulang ng kanilang obligasyon.