-- Advertisements --
Dapat umanong magkaroon ng access ang publiko tungkol sa assessment ng Kongreso sa weekly reports na isusumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga ginagawa upang tugunan ang problema sa epekto ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, may karapatan ang publiko na makita kung paano inilalaan ang budget ng pamahalaan para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
“Dapat lang malaman natin. Taxpayers’ money ‘yan eh. Dapat malaman ng mga kababayan natin kung paano ito na-distribute,” wika ni Lacson.
Magugunitang naitalaga si Lacson, pati na sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sens. Pia Cayetano at Bong Go na maging bahagi ng Congressional Joint Oversight Committee na siyang titingin sa weekly reports ng Malacanang.