-- Advertisements --
Nakapagtala na ng hindi bababa sa 12,300 na mga bata ang nasawi sa giyera sa Gaza simula Oktubre ng nakaraang taon hanggang Pebrero ng kasalukuyang taon.
Iyan ay mas mataas na sa mga batang namatay sa pinagsama-samang bilang ng mga giyera sa mundo sa loob ng apat na taon, ayon ‘yan kay head of the UN agency for Palestinian refugees Philippe Lazzarini.
Dagdag pa ni Lazzarini, ang giyerang nararanasan daw sa Gaza ay giyera ng mga bata at ng kanilang hinaharap.
Nagsimula ang giyera sa Gaza matapos atakihin ng Hamas ang Israel kung saan libo ang namatay at ilang daan din ang hinostage.
Sa kabilang dako naman ay mahigit 31-K na ang nasawing Palestinian sa Gaza ayon sa health ministry nito.