-- Advertisements --
image 27

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang lugar Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang tectonic earthwuake alas-11:35 ng umaga sa lalim na 10 kilometro.

Naramdaman ang instrumental intensity sa Pasuquin, Ilocos Norte sa Intensity IV.

Dagdag ng PHIVOLCS na asahan pa rin ang ilang mga aftershocks matapos ang nasabing lindol.

Wala namang naitalang pinsala ang ahensya matapos ang naganap na pagyanig sa naturang lugar.