Positibo pa rin sa red tide toxin ang dalawang baybayin sa Pilipinas.
Ito ay batay sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
kinabibilangan ito ng mga karagatan ng Dauis at Tagbilaran City sa probinsya ng Bohol at Dumanquillas Bay sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ang mga nasabing baybayin ay nananatiling positibo sa Paralytic Shellfish Poison, batay sa resulta ng laboratory test ng Fisheries Bureau.
Dahil dito, nagbabala ang BFAR sa publiko laban sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga nasabing katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.
Sa kabila nito, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimangong nahuhuli o nagmumula sa nasabing karagatan, basta’t nahugasan at naluto ang mga ito ng maayos.