-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakaligtas ang grupo ng municipal councilor sa bayan ng South Upi, Maguindanao matapos na tambangan ng mga armadong pinaniniwalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay Lt. Colonel Jonathan Pondanera, commander ng 57th IB, Philippine Army, naiwasan ng sasakyan ni Councilor Basit Kamid ang grupo ng BIFF na nakaabang sa kanila sa bahagi ng Lamud Elementary School sa Barangay Biarong sa nabanggit na bayan.

Agad naman na nakipagpalitan ng putok sa mga local terrorists ang mga armadong escorts ni Councilor Kamid na tumagal ng higit sa limang minuto.

Tumakas naman ang mga armadong BIFF matapos na dumating ang mga sundalo.