-- Advertisements --

Magdaragdag ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng modes of payment para sa mas epektibong pamamahagi ng social pension assistance ng mga senior citizen.

Sa inilabas na advisory ng ahensiya, sinabi nito na magsasagawa ang kanilang Field Offices (FOs) ng assessment para sa most fesible at epektibong distribusyon ng subsidiya na aangkop sa kani-kanilang lugar.

Ito ay nakapaloob sa inisyung Memorandum Circular No. 17 series of 2022.

Dalawa sa posibleng modes of payment na gagamitin ng FOs ay ang cash payout na pangangasiwaan ng Designated Special Disbursing Officers sa pmamagitan ng isang plaza-type payout at ang cash cards sa pamamagitan ng isang awtorisadong depository bank.

Ayon sa DSWD, ang gagamiting mode of payment ay nakadepende sa responsiveness ng mga benepisyaryo.

Sa ilalim din ng naturang memorandu, inamyendahan ang timeline ng pamamahagi ng subsidiya mula sa quarterly basis schedule ay gagawin ng kada January hanggang June at July hanggang December.

Ibig sabihin, ang mga benepisyaryo ng programa na may P500 monthly stipend para sa third at fourth quarters na hindi pa nailalabas ay tatanggap sila ng pension sa ikalwang semester na nagkakahalaga ng P3,000.

Paliwanag naman ng ahensiya na binago nila ang frequency ng cash distribution para mas mapabilis ang paglalabas ng financial aid at malimitahan din ang magagamit na pondo para sa admisnitrative cost, workforce at ditributing officers.

Sa ngayon, ayon sa DSWD nasa mahigit 3.4 million benepisyaryo na o 86% ng overall target ang nabenipsyuhan mula sa social pension program.

Top