-- Advertisements --

Inaasahang magkakaroon ng umento ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ang presyo ng gasolina ay nakikitang tataas ng P1 hanggang P1.30 kada litro.
Ito na ang ika-apat na sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina
Posible namang manatili ang presyo ng diesel o bahagyang tapyas na P0.10 kada litro.
Sa presyo naman ng kerosene, magkakaroon ng umento na P0.20 hanggang P0.50 kada litro.









