-- Advertisements --

Abiso para sa mga motorista!

Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng kada litro ng produktong petrolyo sa susunod na linngo.

Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, magkakaroon ng rollback na Php0.30 hanggang Php0.60 sa kada litro ng diesel, habang nasa Php0.30 hanggang Php0.50 naman ang inaasahang magiging tapyas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Habang sa kabilang banda naman ay inaasahang magkakaroon ng Php0.20 hanggang Php0.45 na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Samantala, mula kaninang alas-12:00am ay kasado na ang dagdag presyo Php0.30 sa kada kilogram ng LPG na katumbas ng mahigit P3.00 na taas-presyo sa kada 11-kilogram na LPG cylinder.