-- Advertisements --
Tinulungan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) ng Department of Agriculture-Cordillera (DA-CAR) ang mga magsasaka sa Asipulo, Ifugao Province para makapag suplay ng kanilang mga produktong kamatis sa malalaking kumpanya sa Metro Manila.
Ito ay resulta umano ng cost structuring na napag-usapan ng Farmers Cooperative Association (FCA), DA-CAR AMAD, at mga kinatawan mula sa World Food Expo (WOFEX), ayon kay Joan Bacbac, chief ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Division.
Aabot sa tatlong tonelada ng kamatis ang lingguhan nang isususplay ng mga naturang magsasaka sa tatlong kompanya.
Kasabay nito, target din ng kagawaran na palawakin pa ang market linkage nito sa iba pang magsasaka sa Ifugao.