-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mayroong sapat na supply ng manok sa mga pamilihan.

Ginawa ito ni Agriculture Sec. William Dar sa joint hearing ng House committee on agriculture and food at ng committee on trade and industry nitong umaga.

Ayon kay Dar, sapat ang supply ng manok hanggang sa matapos ang taon.

Bukod dito, sinabi rin ng kalihim na sapat din ang supply ng gulay.

Nauna nang nagpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng 60-day freeze sa presyo ng karne ng baboy at manok sa Metro Manila.

Sa ilalim ng Executive Order No. 124, ang price ceiling para sa kada kilo ng kasim ay P270 habang P300 naman para sa kada kilo ng liempo, at P160 para sa dressed chicken.