-- Advertisements --
Ikinokonsidera ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) ang paghahain ng pormal na reklamo laban kay Agriculture Sec. William Dar.
Ayon kay Sinag chairman Engr. Rosendo So sa panayam ng Bombo Radyo, may mga batas na dapat pinaiiral ng ahensya, ngunit hindi umano pinapatupad ng naturang tanggapan.
Partikular na rito ang angkop sanang pagsusuri sa mga imported na karne at iba pang produkto.
Giit ni So, dapat maging seryoso ang DA sa paghihigpit, lalo’t sa African Swine Fever (ASF) pa lang ay kitang-kita nang nalusutan tayo dahil sa kakulangan ng pag-iingat.
Maging sa local deliveries, mahalaga aniyang maipatupad kung ano ang itinatadhana ng batas.
“Kasi nasa batas na yan, dapat sundan yan,” wika ni Engr. So.