-- Advertisements --

Nakipagsanib-puwersa ang Department of Agriculture (DA) sa mga munisipalidad ng Dinalupihan at Hermosa, at Bataan Peninsula State University (BPSU) para sa pagpapatupad ng Zero Kilometer o “0 KM” food project.

Itinataguyod ng Zero KM ang malusog na pagkain habang pinapaliit ang gastos at epekto sa kapaligiran ng transportasyon ng mga produkto.

Sinusuportahan nito ang paggamit at pagkonsumo ng mga local grown na mga prutas, gulay, at iba pang produktong pagkain na non-industrially produced na hindi malayong inalakbay, o ang mga pagkain na “zero kilometers” ang nilakbay sa transportasyon bago kainin.

Dagdag dito, isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan upang matiyak na ang mga target ng mga inisyatiba ay matutugunan.

Binigyang-diin ni Senior Undersecretary Domingo F. Panganiban, na ang inisyatiba ay bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos tungo sa isang bansang ligtas sa pagkain.