-- Advertisements --
rice farming agriculture bulacan july 10 2022 004

Naglunsad ang Department of Agriculture (DA) ng dalawang farm-to-market roads (FMRs) katuwang ang World Bank para iangat ang sektor ng pagsasaka sa Maguindanao.

Pinangunahan ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (Mafarm)-Philippine Rural Development Project (PRDP) sa Bangsamaro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kasama ang provincial government ng Maguindanao del Sur, ang groundbreaking ng nasabing farm-to-market roads.

Ayon sa DA, pinondohan ng World Bank Second Additional Fund na may European Union Co-Financing Grant ang halagang P25 milyon na may 10-percent equity mula sa local government units ng Maguindanao.

Kasama sa proyekto ang 6.2-kilometer concreting ng Barangay Pandan farm-to-market roads na may kabuuang halaga na P101.3 milyon at 10-kilometer na concreting ng Barangay Rempes-Barangay Darugao na may kabuuang halaga na P150.8 milyon.

Ang nasabing hakbang ay magbibigay sa mga magsasaka na mapadali ang kanilang paghahatid ng mga produktong pang-arikultura at makakuha ng mas magandang presyo.