Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng P7 million bilang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng volcanic activity ng Taal.
Iniulat ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na nasa 1,561 ang mga apektadong magsasaka at mangingisda na kabilang din sa mga evacuees mula sa bayan ng Agoncillo sa lalawigan ng Batangas gayundin sa Barangay Banyaga at Bilibinwang.
Ilan sa mga ipapamahaging assistance sa mga apektadong magsasaka at mangingisda ay ang inbred seeds, glutinous corn, vegetable seeds at tilapia fingerlings.
Bukod pa rito, mayroon ding nakahandang P200 million mula sa quick response fund ang ahensiya para maibigay na karagdagang ayuda para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sakaling magkaroon ng destructive volcanic eruption.
Sa kasalukuyan wala pang natatanggap ang DA na ulat hinggil sa pinsala sa agrikultura at sa fisheries sa mga lugar na apektado ng pag-alburuto ng bulkang taal.
Nananatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 3 ang Taal volcano kung saan iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong umaga ng Miyerkules na nakapagtala ng apat na volcanic tremors mula sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.