Irerekomenda ng Department of Agriculture (DA) ang paglalaan ng nasa P270 billion na pondo para sa departamento para sa taong 2023 sa ilalim ng Marcos administration.
Iginiit ni DA Secretary William Dar na mas marami pa ang magagawa sa sektor ng agrikultura kung maglalaan ng kaukulang pondo para sa ahensiya na aniya’y napabayaan sa nakalipas na 30 taon.
Matatandaang, humiling ang DA ng nasa P8 billion hanggang P10 billion na karagdagang pondo ng ahensiya mula sa P91 billion proposed 2022 budget nito. naun na ring ipinanukla ng ahensiya ang P231 billion na pondo para sa ahensiya subalit iniremkomenda lamang ng Department of Budget and Management ang nasa P91 billion sa Kongreso.
Sa kabila naman nito, sinabi ni Dar na nakapagtala pa rin ang bansa ng nasa 19.96 million metric tonnes na record harvest sa rice production.
Binigyang diin din ni Dar na mamanahin ng papasok na administrasyon ang agricultural sektor na naghihingalo gayundin ang epekto ng covid19 pandemic at dahil sa conflict sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Kung kayat kailangan aniya ng malaking pondo para sa susunod na taon para matulungang maresolba ito at para mabuksan ang potensiyal ng Philippine agriculture industry.Top









