-- Advertisements --

Hinimok ngayon ng Deparment of Agriculture (DA) ang United Nations’ Food and Agriculture Organization (UN-FAO) na ituloy pa rin ang open agri trade sa gitna ng nagbabadyang global food crisis.

Ayon kay DA Sec. William Dar, dapat ang UN-FAO nga raw dapat mismo ang manguna sa panawagan sa buong mundo na panatilihin ang worldwide market trades sa mga agricultural products.

Ang panawagan din ni Dar ay kasabay ng nagpapatuloy na hidwaan ng Ukraine at Russia na siyang naging daan para sa pagbaba ng suplay ng trigo at iba pang agricultural supplies.

Sinabi ni Dar na nag-monitor na rin daw ang mga ito sa ilang bansa at mayroon ang mga huminto na sa pag-export ng food at production inputs.

Kabilang daw dito ang bansang Argentina, Algeria, Egypt, India, Indonesia, Iran, Kosovo, Kazakhstan, Turkey, Ukraine, Russia at Turkey.

Isa raw sa mga rason nang paghinto ng kanilang exportation ay ang pagprotekta sa kanilang populasyon.

Iniisip daw kasi ng mga naturang bansa ang kanilang mga kababayan bago ang global market.

Kung maala, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation noong buwan ng Mayo ay bumilis sa 5.4 percent na mas mataas sa 4.9 percent noong buwan ng Abril.

Sa kabila naman ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay sinabi ni Dar na hindi lamang ito nangyayari sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo.

Partikular daw sa mga nagsitaasan ang presyo sa world market ang palay, mais, soybean, asukal at trigo.