-- Advertisements --
Hiniling ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na dapat mag-stock ang bansa ng bigas ng hanggang dalawang buwan para matiyak ang foof security sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sinabi nito na sa kasalukuyan ay mayroong rice buffer stocking ang National Food Authority (NFA) ng hanggang 15 araw.
Dagdag pa nito na mahalaga ang pagkakaroon ng 2 buwang buffer stock ng bigas para maraming mga pagkukuhanan ng bigas ngayong pandemic.
Nauna ng isinusulong ng DA ang budget na P86.3 billion para sa 2021 na mas mataas ito ng P6.4 million sa 2020 budget ng ahensiya.










