Target ng Department of Agriculture na iapela sa bagong Kongreso na bigyang muli ng kapangyarihan ang National Food Authority.
Layon ng hakbang na ito na mapatatag ang kita ng mga magsasaka at patatagin ang merkado sa bansa.
Giit ng DA na sa sandaling maibalik ang kapangyarihan ng NFA, makatutulong ito para mapasigla ang mga kakayahan ng ahensya sa pananalapi at logistics .
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.,ang naging go signal ng NFA na ibenta ang non-aging rice inventory ay makatutulong upang mapaluwag ang espasyo sa kanilang mga warehouses.
Dahil dito ay makabibili ang NFA ng mas maraming palay mula sa mga lokal na magsasaka sa resonable at makataong presyo.
Una nang sinabi ng NFA na umaasa itong madodoble ang kanilang budget sa pagbili ng palay sa P18 bilyon para sa susunod na taon.