Aprubado at nakahanda ang Department of Agriculture (DA) sa kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mag-suppky ng 490,000 na sako ng NFA rice na siyang magsisismula sa Hunyo hanggang sa Disyembre.
Layon nito na mapalakas ang pagtugon ng DSWD sa mga kalamidad at maging sa kanilang mga feeding programs para sa mga mahihirap na komunidad sa loob ng bansa.
Nagpasalamat naman si DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. dahil sa agarang pagapruba ng inisyatibong itokung saan binigyang diin rin ng kalihim ang importansya ng alokasyon ng bigas para masuportahan ang mga mamamayang Pilipino.
Kasunod nito ay nagabot rin ng pasasalamat si Tiu Laurel kay Gatchalian dahil isang malaking tulong rin kung maituturing ang hakabang na ito para mailabasa ang malaking bahagi ng mga nakaimbak na bigas ngyon sa mga warehouses ng National Food Authority (NFA).
Mas mappabilis rin ang pagpapaluwag ng mga imbakan ng NFA para makabili nman ng mga bagong palay mula sa mga lokal na magsasaka sa isang patas at mayos na presyo.
Samantala, sa kasalukuyan naman ay isang malaking pagbalanse naman sa nga buffer stock ang inisyatibong ito ng dalawang ahensya upang mkatulong na masustini ang pamimili ng mga bagong play at matiyak na magpapatuloy ang suporta ng pamahalaan sa mga lokal na magsasaka.