-- Advertisements --

Muling pinamunuan ni Department of Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. ang National Food Authority (NFA) matapos suspendihin ng Office of the Ombudsman ang 2 pang opisyal ng ahensiya.

Kabilang dito ang bagong talagang NFA Officer in charge na si Piolito Santos at Department Manager for Operation and Coordination Jonathan Yazon.

Bago kasi italaga ni Sec. Laurel si Santos bilang bagong NFA OIC noong Marso 6, nagsilbi ito bilang dating Assistant Administrator for Finance and Administration.

Ito ay kasunod ng suspensiyon ng 139 empleyado at opisyal ng NFA kabilang si NFA administrator Roderico Bioco, assistant administrator for operations John Robert Hermano, 13 regional managers, 26 branch managers, at 99 warehouse supervisors.

Sa kasalukuyan, gumugulong na ang imbestigasyon ng Ombudsman at parallel investigating oanel ng DA kaugnay sa, pagbebenta ng NFA buffer stock rice sa murang halaga sa piling traders nang hindi dumadaan sa bidding process.

Sa kabila ng suspensoyon ng mga kawani ng ahensiya, muling tiniyak ni Sec. Laurel na hindi maantala ang operasyon sa NFA at hinimok ang mga natitirang personnel na patuloy na gampanan ang kanilang tungkulin.

Samantala, itinalaga naman ng kalihim si Director IV Larry Lacson bilang bagong officer in charge deputy administrator ng NFA.