-- Advertisements --
Pinalitan na ng Czech Republic ang Russia sa United Nation Human Rights Council.
Kasunod ito sa pagsuspendi ng UN sa Russia dahil sa ginawang paglusob sa Ukraine.
Labis naman ang pasasalamat ni Czech Foreign Minister Jan Lipavsky sa mga miyembro ng UN dahil sa paghalal sa kanila.
Patuloy na rin aniya ang kanilang gagawing trabaho.
Tiniyak nito na prioridad ng kanilang bansa ang karapatang pantao.
Dahil dito ay gagampanan ng Czech Republic ang natitirang tatlong taon ng Russia sa council.