Dumepensa ang Bureau of Customs (BOC) matapos kwestyunin ng Commission on Audit (COA) ang release ng ahensya sa mga cargo nang walang binabayarang post-assessment na higit P5-milyon.
Natukoy kasi ng BOC na lumang dokumento ang accounting errors na nakita ng state auditors sa ulat nito para sa ahensya noong 2018.
Ayon sa Customs mga dokumentong anim na taon ng nakalilipas ang nasuri ng COA kaya hindi talaga ito magtutugma sa financial statements ng BOC noong nakaraang taon.
“Commission on Audit Director Cora De la Cruz transmitted its significant audit findings which include accounting errors incurred as far back as six years prior to Guerrero’s appointment as BOC Chief, materially affecting the accurate presentation of the BOC 2018 Financial Statements.”
Bukod sa kwestyonableng release ng cargoes, pinuna rin ng COA ang overstaying ng halos 7,000 containers sa mga port na hawak ng Customs.
Kaugnay nito, nangako ang ahensya na aayusin ang records nito alinsunod sa observations at recommendation ng COA.










