-- Advertisements --
Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng tinaguriang cultural icon ng bansa na si Gilda Cordero-Fernando sa edad 90.
Kinumpirma ng anak nitong si Mol Fernando sa kaniyang social media ang pagpanaw ng anak nitong Huwebes ng umaga, Agosto 27.
Kilalang writer, artist, fashion designer, publisher at producer.
Ilan sa mga ginawa nitong libro ay “Ladies ‘Lunch and Other Ways to Wholeness” “History of the Burgis” at maraming iba pa.
Idaan naman sa social media ng mga kilalang publishers at fashion designers ang kanilang mga pakikiramay.