Nanindigan ang veteran showbiz reporter na si Cristy Fermin na hindi ito hihingi ng paumanhin sa actor na si Dominic Roque.
Kasunod ito sa pagdawit ng dalawang politiko kaya naghiwalay ang actor at nobya nitong si Bea Alonzo.
Sinabi ni Fermin na wala siyang binanggit na pangalan ng pulitiko sa hiwalayan ng showbiz couples.
Magugunitang inilapit ng actor sa abogado ang malisyosong ulat ni Fermin na idinawit sina dating Rep. Bong Suntay at Mayor Bullet Jalosjos.
Binigyan umano ni Suntay si Roque ng gasolinahan habang pag-aari naman ni Jalosjos ang condo unit kung saan nakatira noon si Roque.
Magugunitang tinawanan na lamang ng dalawang pulitiko ang isyu kung mahigit 10 taon na umano nilang kaibigan ang actor dahil sa parehas sila ng hilig sa pagmo-motor.