Inaasahang maging commercially available na ang covid-19 vaccines sa Pilipinas sa unang bahagi ng taong 2023.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, sa ngayon tanging ang Janssen Pharmaceuticals ng Johnson & Johnson pa lamang ang nag-apply para sa Certificate of Product Registration (CPR) sa Philippine Food and Drug Administration.
Ani Vergeire na ang evaluation sa CPR applications ay isang mahabang proseso dahil ito ang magbibigay ng pahintulot sa paggamit ng bakuna para sa general population commercially.
Sa ngayon, lahat ng covid-19 vaccines sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng emergency use authorization.
Samantala, ayon kay Vergeire nakapaglaan na ng pondo para sa posibleng pagbili ng new generation vaccines kontra covid-19.
Inaasahang mailalabas ng manufacturers ang naturang bakuna sa Oktubre.










