-- Advertisements --

Posible na sa puwet iturok ang COVID-19 vaccine katulad ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang sarili.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, hindi maapektuhan ang bisa ng bakuna sakali mang sa puwet ito ituturok.

Karamihan kasi aniya sa mga COVID-19 vaccines ay pawang “intramascular” o maaring iturok sa muscles o kalamnan ng katawan gaya ng sa puwet o braso.

Nauna nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na nais ni Pangulong Duterte na sa kanyang puwet ituturok ang bakuna kontra COVID-19 kaya hindi ito maaring ipakita sa publiko.

Ayon kay Duque, dapat irespeto ang desisyon ni Duterte na gawing pribado ang pagbabakuna sa kanya, pero umaasan naman na magbago din ang isip nito kalaunan dahil ilang mga lider sa mundo ang nagpaturok ng bakuna sa harap ng publiko.