-- Advertisements --
Vaccination Crowd malabon people residents COVID

Maganda umano ang itinatakbo ngayon ng vaccination program sa National Capital Region (NCR) kaya naman kampante ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na nasa right track din ang bansa sa happy Christmas.

Ayon kay MMDA chairperson Benhur Abalos, sa ngayon kasi ay nasa 43.75 percent na ng eligible recipients sa NCR ang fully vaccinated at nasa 76 percent na lamang ang naghihintay para sa kanilang second dose.

Dahil dito, asahan na raw ng mga resident ng Metro Manila na magkakaroon ng masayang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon kung pagbabasehan ang status ng vaccination program sa naturang rehiyon.

Sa ngayon, sinabi ni Abalos na nasa 11.7 million COVDI-19 vaccine doses ang naiturok na sa mga residente ng NCR.

Una na ring inanunsiyo ni Abalos na napagkasunduan ng local government units (LGUs) ng Metro Manila na puwede silang magbakuna kahit hindi nila residente pero nasa loob ng NCR.