-- Advertisements --

Nangako ang kompanyang Pfizer na kaagad silang magsusumite ng datos sa Food and Drug Administration sa Pilipinas bilang bahagi ng kanilang “rolling submission” para sa emergency use authorization ng kanilang gamot kontra COVID-19.

Ito ay matapos na lumabas sa clinical trial na ang kanilang gamot na Paxlovid ay highly effective kontra COVID-19.

Ayon sa kompanya, aabot sa 89% ang mababawas sa peligro na humantong sa pagpapa-ospital o pagkamatay ng adult patients na may COVID-19.

Ang resultang ito, na mula sa middle-to-late stage clinical trial, ay napakalakas para ihinto na rin ng Pfizer ang pag-recruit ng mas marami pang mga tao para sa trial.

Ang datos na ito ay mula sa 1,219 adults sa North at South America, Europe, Africa at Asia.

Marso 2020 nang sinimulan ng Pfizer ang pag-develop sa naturang gamot na isang “protease inhibitor” na nakitaan ng kakayahan para i-jam ang replication machinery ng virus.

Kamakailan lang, ang Britain ang kauna-unahang bansa sa mundo na nag-apruba sa anti-COVID-19 pill makalipas na pinahintulutan na ang paggamit ng antiviral drug ng Merck na molnupiravir para sa treatment ng mga pasyenteng nakakaranas ng mild hanggang sa moderate coronavirus. (Agence France-Presse)