Naghahanda na ang India para ilikas ang libo-libo nitong mamamayan na na-stranded sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa coronavirus pandemic.
Sa unang linggo ng tinaguriang “Vande Bharat Mission” ay magpapadala ang India ng mga eroplano sa 12 bansa.
Ayon kay Civil Aviation Minister Hardeep Puri, inaasahan na aabot ng 15,000 Indian citizens ang kanilang maililikas mula sa Malaysia, Qatar, Saudi Arabia, Singapore, United States at United Kingdom.
Subalit kakailanganin ng mga ito na bayaran ang kanilang mga tickets. Ang presyo ng tiket ay nakabase kung saang port magmumula ang eroplano.
Papayagan lang din ang mga ito na sumakay ng eroplano sa oras na mapatunayang wala silang sintomas ng COVID-19.
Kaugnay nito ay isasailalim din sila sa extensive screening at quarantine sa oras na maka-uwi na ang mga ito ng India.
Tutulong din sa nasabing rescue mission ang warships ng India. Tatlong barko na ang unang ipinadala sa Maldives at United Arab of Emirates.