Hindi umano magdadalawang isip ang Japanese government na isailalim sa state of emergency ang bansa sa oras na matukoy nila kung gaano kalaki ang naging epekto ng coronavirus outbreak sa ekonomiya ng Japan.
Ayon kay Nishimura Yasutoshi, minister in charge ng coronavirus measures, mas lalo raw nagiging kritikal ang sitwasyon ng Japan dahil sa naturang pandemic. Aniya, humahanap lang ng tamang oras ang gobyerno para magdeklara ng state of emergency.
Nakahandang magpatupad ang mga otoridad nang karagdagang polisiya para unahin ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na naninirahan sa mga lugar na kulang sa tulong medikal.
Susuportahan din ng gobyerno ang produksyon ng mas marami pang face masks at magbibigay din umano ang mga ito ng cloth masks sa bawat kabahayan bilang tugon ng bansa sa kakulangan ng face masks.
Nakatakda ring pagdesisyunan ng gobyerno ang pagkakaroon ng emergency economic package. Kasama na rito ang pamamahagi ng $2,800 sa mga kabahayan na nakararanas naman ng kakulang sa tulong pinansyal.
Ito’y matapos makapagtala ng panibagong 143 cases ng coronavirus sa Japan.