-- Advertisements --
LAOAG CITY – Problemado na ang ilang Pinoy workers sa Russia dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang trabaho.
Ayon kay Bombo International correspondent Trifina Gardoque, halos tatlong linggo nang walang trabaho ang ilang kapwa niya overseas workers sa Russia matapos pahintuin muna sila ng kanilang amo noong March 29.
May ilan din umanogn naka-no work, no pay.
Dahil dito, wala na raw maipadala si Gardoque sa kanyang pamilya rito sa Pilipinas dahil wala rin umano siyang hanapbuhay sa naturang bansa.
Sa ngayon, nasa 20,000 na ang kaso ng COVID 19 sa Russia at mula rito 232 na ang namatay at higit 2,000 ang nakarecover na pasyente.