ILOILO CITY – Pinangunahan ni COVID-19 Deputy Chief Implementer Vivencio ‘Vince’ Dizon ang symbolic AstraZeneca vaccination sa St. Paul’s Hospital sa Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dizon, sinabi nito na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa mga bumubuo sa National Task Force against COVID-19 na maglibot sa buong bansa upang matiyak na naipapamahagi ng husto ang mga bakuna.
Kasabay nito tiniyak rin ni Dizon na mula sa mga frontline health workers hanggang sa mga Barangay Health Emergency Response Teams ay mabibigyan ng bakuna.
Inamin rin ni Dizon na ang dating takot sa mukha ng mga healthworker at napalitan na ng pag-asa ula nang dumating sa Pilipinas ang mga bakuna mula sa COVAX facility.
Pinuri rin ni Dizon si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa mahusay na solusyon upang masugpo ang COVID-19 sa lungsod.