-- Advertisements --
BEIJING – Pumalo na sa mahigit 2,400 ang bilang ng mga nasawi sa China dahil sa COVID (Coronavirus Disease)-19 matapos na mamatay ang 96 katao sa Hubei province.
Karamihan sa mga bagong binawian ng buhay ay nasa Wuhan, kung saan unang lumitaw ang virus noong Disyembre, ayon sa update mula sa Hubei Health Commission.
Sa ngayon, 632 na bagong confirmed cases ang iniulat ng probinsya.
Dahil dito, nasa humigit-kumulang 77,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa China.
Nabatid na sa ngayon mahigit 25 bansa na ang apektado ng COVID-19. (Agence France-Presse)










