LAOAG CITY – Muling nakapagtala ang probinsya ng Ilocos Norte ng tatlong COVID-19 death case sa loob ng isang araw.
Kinilala lamang sa mga pangalan ang mga ito na sina IN-C3425, 66-anyos na babae, residente ng Brgy. 34-B Gabu Norte East, Laoag City; IN-C3528, 82-anyos na lalaki, residente ng Brgy. 13 San Gabriel I sa bayan ng Bacarra at si IN-C3549, 71, na lalaki at residente ng Brgy. 14 Santo Tomas, Laoag City.
Samantala, nakapagtala ang probinsya ng 28 bagong kaso ng covid-19 kung ang lungsod ng Laoag ang may pinakamaraming kaso.
Umabot sa 14 ang kasong naidagdag sa lungsod habang 10 sa bayan ng Currimao, dua sa bayan ng Pagudpud at parehong isang kaso ang nadagdag sa bayan ng Pasuquin at Burgos.
Sa ngayon ay may 3,562 covid-19 cases sa probinsya habang 59 ang mga namatay.