-- Advertisements --

Pumalo na sa 14,035 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH).

Sa case bulletin na inilabas ng ahensya, may 258 na bagong naitalang kaso ng sakit sa buong bansa.

Ang 195 daw sa mga ito ay nai-record sa National Capital Region; 51 sa iba’t-ibang rehiyon; habang 12 ang galing sa Central Visayas.

Mula sa nasabing total mayroong 9,918 active cases.

Patuloy naman ang paglobo nang bilang ng mga gumagaling na ngayon ay nasa 3,249 na.

Habang ang mga namamatay naman ay nasa 868, bunsod ng limang binawian ng buhay.