-- Advertisements --

Pababa ang bilang ng mga bagong kaso ng covid-19 sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Iniulat ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na nakikitang ang mga kaso sa Mindanao ay plateauing na habang unti-unti namang bumababa ang mga kaso sa Visayas bagamat nagkaroon ng uptick sa nakalipas na mga araw.
Tuluy-tuloy naman ang pagbaba ng mga kaso sa National Capital Region (NCR) .
Sinang-ayunan naman ni OIC Vergeire ang naging pahayag ng infectious disease expert Dr. Rontegene Solante na ang wave ng Covid-19 cases dala ng Omicron subvariants na BA.4 at BA.5 sa Metro Manial ay nagtapos na.
Sa datos ng DOH, kabilang pa rin ang Metro Manila sa nangunguna sa listahan ng mga rehiyon na may mataas na bilang ng covid19 cases sa nakalipas na dalawang linggo na nasa halos 3,000.
Sinundan ng Calabarzon (1,654), Western Visayas (1,293), Central Luzon (9740, at Davao Region (911).
Sa kabuuan, nakapagtala ng 1,227 bagong kao ng covid-19 nitong Nobiyembre 11 kayat ang kabuuang aktibong kaso sa buong bansa ay nasa 17,188 na.