-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibon pasahero ng cruise shuo na na-quarantine sa Japan dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ay matapos na magsagawa ang gobyerno ng Japan ng tests sa 1,219 katao na lulan ng naturang cruise ship.
Sinabi ni Katsunobu Kato, health minister ng Japan, 355 na mga pasahero ng cruise ship ang nagpositibo ngayon sa COVID-19.
Sa naturang bilang, 79 dito ang hindi nakitaan ng anumang sintomas ng naturang sakit.










