-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang mass COVID-19 testing sa Macau.
Ito ay matapos ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 na naitala.
Dahil dito ay maraming mga negosyo ang isinara sa para mabigyang daan ang pagpapa-COVID-19 testing.
Pinayuhan ang mga residente na manatili sa kanilang mga bahay at isinara ang mga dine-in restaurants at hinigpitan ang mga border.
Ayon kay Macau chief executive Ho Iat Seng na labis silang nagulat sa biglang pagbulosok pataas ng kaso ng COVDI-19 at hindi nila malaman kung saan ito nagmula.