-- Advertisements --

CEBU CITY – Umakyat na sa 1,280 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Cebu matapos itong nadagdagan ng 191 na panibagong kaso.

Sa naturang bilang 182 na bagong kaso ang naitala mula sa Barangay Mambaling, ayon sa Cebu City Health Department.

Sa ngayon, mayroon nang 433 COVID-19 cases sa naturang barangay pa lamang.

Nakatakdang dumulog kay Mayor Edgardo Labella ang kapitan ng barangay na si Gines Abellana para hilingin na isailalim sa lockdown ang kanilang lugar.

Nauna nang iniugnay ni Labella sa mass testing ang pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa nakakamatay na sakit.