-- Advertisements --

Umakyat na sa 525,618 ang coronavirus disease 2019 cases sa Pilipinas ngayong araw ng Linggo, Enero 31, 2021, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay matapos na maitala ang 2,103 bagong infections, hindi pa kasama ang datos mula sa 10 laboratoryo na bigong makapagsumite ng reports on time.

Ito na ang ikalawang magkasunod na raw na mahigit 2,000 bagong infections ang naitala.

Ayon sa DOH, umakyat sa 487,551 ang mga gumaling na sa respiratory disease na ito makalipas na 11,653 pang pasiyente ang naka-recover.

Ang death toll naman ay umakyat sa 10,749 matapos na maitala ang 80 na bagong fatalities.

Ang bilang naman ng mga active cases ay pumalo sa 27,313, kung saan lahat ng mga ito ay pawang sumasailalim sa treatment o quarantine.