Niyanig ng 3.9 magnitude na lindol ang bayan ng Cotabato nitong umaga lamang ilang araw matapos na maranasan ang magnitude 6.5 na lindol sa Mindanao kamakailan.

Batay sa initial bulletin ng Phivolcs, ang sentro ng lindol kaninang alas-8:19 ng umaga ay naitala sa 22 kilometers southwest ng Makilala, Cotabato.

Ang naturang lindol, na tectonic ang origin, ay may lalim na 4 kilometers.

Ramdam ang Intensity II sa Kidapawan City.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang aftershocks o pinsalang inaasahan kasunod ng naturang lindo.