-- Advertisements --

Ginulat ng bansang Costa Rica na ika-31 sa FIFA world ranking nang pataubin ang ika-24 sa ranking na Japan matapos talunin sa score na 1-0.

Dahil dito, buhay pa rin ang pag-asa ng Costa Rica na makalusot round of 16.

Nagpanalo sa koponan ang late left-footed effort ni Keysher Fuller.

Bigo naman ang Japan sa mga goal attemt dahil sa galing ng Costa Rica goalkeeper na si Keylor Navas.

Kung maalala tinambakan ng Spain sa score na 7-0 ang Costa Rica sa isinagawang match noong Huwebes.

Dahil sa panalo, tabla ngayon sa Group E ang Japan, Costa Rica at Spain sa tatlong points habang ang Germany ay wala pang puntos.

Maghaharap mamayang madaling araw oras sa Pilipinas ang Germany at Spain dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Al Bayt Stadium.