-- Advertisements --

Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 370 foreigners na nagtangkang pumasok sa bansa sa kabila ng 2019 novel coronavirus outbreak.

Ayon sa ahensya, sinubukan ng mga foreign nationals na pumasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t ibang ruta na hindi saklaw ng ipinatupad na travel ban.

Pansamantalang ipinagbawal ng Malacañang ang mga dayuhan bumisita sa bansa na nanggaling sa China, Hong Kong at Macau sa nakalipas na 14 na araw.

Inanunsyo naman ngayong araw ng Department of Health (DOH) na kasali na rin sa naturang travel ban ang Taiwan.

Binabase umano ng immigration officers ang mga stamps mula sa passports ng mga byahero upang matukoy kung saan ang huling bansang binisita nito.