-- Advertisements --

VIGAN CITY – Handang-handa na raw ilampaso ng Cordilleran fighters na sasabak sa kickboxing event ng 30th Southeast Asian (SEA) Games ang kanilang mga kalaban mula sa iba’t ibang kalaban na bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng atletaang si Renalyn Dasalla Dacquel, na malaki ang kanyang tiwala na makakakuha nila ang gintong medalya sa mga kategoryang kanilang lalahukan.

Intensive training umano sa Cambodia at Taiwan ang pinagdaanan ng kopona at nahasa nang husto ang kanilang endurance kaya tiyak umano na maganda ang kanilang magiging performance sa sporting event.

Kaugnay nito umaapela pa rin ng patuloy na panalangin at moral support sa publiko si Dacquel at ang buong national team sa kickboxing upang mapagtagumpayan ang lahat ng kanilang laban at makatulong para makamit ng Team Philippines ang over-all championship title sa nasabing regional biennial meet.

Magsisimula sa December 7 hanggang 10 ang kickboxing event ng SEA Games kung saan walong gintong medalya ang paglalabanan ng mga kalahok na atleta mula sa walong iba’t ibang kategorya.