KORONADAL CITY – Malungkot at halos hindi ramdam ang Pasko sa mga apektado ng bagyong Odette sa Southern Leyte dahil sa kakulangan ng tulong at makakain para sa mga ito.
Ito ang ibinahagi ni Madar Rolen Alegre, residenteng apektado ng kalamidad sa Liloan, Southern Leyte na tubong Surallah,South Cotabato.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Alegre, sinabi nito na dahil sa kulang ang makakain at limitadong mapagkukunan nito, nangunguha na lamang diumano ang ilang mga residente ng mga nahulog na bunga ng niyog para maitawid ang kumakalam nilang mga sikmura ngayong pasko.
Dagdag pa ni nito, nagsitaasaan narin angmga presyo bilihin at walang control ang mga opisyal sa lugar kung saan umabot na rin sa P100 bawat litro ang gasolina.
Maliban dito, maraming mga residente din ang nanghaharang at nanghihingi ng limos sa mga dumaraang sasakyan para pangkain ng mga ito.
Sa ngayon, patuloy na nananawagan ito sa gobyerno national para sa agarang tulong sa kanilang lugar sa lalong madaling panahon.
Sa pamamagitan din ng Bombo Radyo ay nakontak nito ang kanyang pamilya sa lungsod ng Koronadal upang makahingi din ng tulong.